Google
 

Sunday, April 26, 2015

JM De Guzman at Jessy Mendiola Umaming Nagkabalikan na sa GGV

Isang magandang simula ang nangyari sa Gandang Gabi Vice (GGV) nang finally, umamin na sina JM De Guzman at Jessy Mendiola.


Kinorner na ni Vice Ganda sina JM at Jessy tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. 

Umamin sina JM at Jessy na naging sila na nuong April 1, 2015 (April Fool's Day) pagkalipas ng dalawang taon na wala na silang communication.Inamin din ni Jessy na hindi nawala ang nararamdaman niya kay JM.

Ayon jay Jessy, nagsimulang magsanga muli ang kanilang landas sa University of the Philippines habang siya ay tumatakbo. Inamin naman ni JM na natigilan siya nang makita si Jessy.

Ayon sa dalawa, pareho silang kinabahan sa kanilang muling pagkikita.

AddThis Social Bookmark Button