Habang ako ay nag aantay na matapos ang isang report na dindownload ko sa system naming ay nag basa basa muna ako ng mga emails ko sa aking inbox… doon ay nakita ko ang isang email ng isang ka opisina na kung saan ay inaalala ang mga nakaraan..
Mag mula sa mga laro hanggang sa paligid na nakikita natin.. napaisip nga ako kay sarap nga talaga ng buhay noon napaka simple lamang.. wala ka masyadong iisipin.. ang mga bata ay talagang may interaction lalo na sa mga laro.. ngayon panay computer games na mag lalaro mag isa ang bata or kung may kalaro man siya ay hindi naman niya physical na nakita dahil nag lalaro sila thru computer…
Sa paligid pwede ka mag lakad ng walang iniisip na baka may humarang sayo at holdapin ka.. naalala ko nga noong kabataan ko (nakow mukhang matanda na ata talaga ako hahaha) masaya na kaming mag laro ng taguan pong… or mag habulan sa bukid.. at ang mag laro ng turumpo at tansan… hmm napapangiti tuloy ako ngayon dahil naalala ko ang lola ko (sumalangit nawa) ng kami ay pahigupin ng sabaw ng nilagang turumpo dahil nde kami nakapag saing ng aming tanghalian dahil sa kakalaro ng turumpo..
Marami talagang masasayang alaala ang nakaraan kay sarap balik balikan lalo na nga kung ikukumpara mo sa pang kasalukuyan…
Pero ganyan talaga ang buhay.. kailangang mag tuloy tuloy at kailangan may pag babago.. nde tayo pwede manatili ng ganun na lamang dapat may improvement na makikita pero sana nga sa mga pag babago na ito manatili pa din yong kinaugalian noong mga panahon….



kuya bentz matanda ka na heheheheh