Akala ko makukuha ko na. Akala ko matatanggap ko na. Yun pala hindi pa waaaaaaaa.
Paano ba naman nung kukunin ko na ang pera sa Western Union biglang kelangan daw ng 2 ID. E heller! Isa akong dating tambay na walang ID. Nagkataon na may naloko akong institusyon para tanggapin ako at makapagtrabaho so yun lang ang ID ko.
Sabi ko bakit dati yun kasama ko 1 ID lang release agad sila tapos sagot ba naman sakin.. siya yun! Aba!!!
E di layas ako at lumipat. Matino naman kausap yun babae at sinumbong ko pa yung taga-kabilang branch kaso dahil 1 nga lang ang ID ko, wala pa din ang pera hehehe na huhuhu.
May ID naman akong iba, may ID ako sa school, di ko nga lang pina-validate kasi tumigil ako, may alumni ID naman ako, ayaw naman nilang i-honor kasi ewan ko ba dun.
Kaya eto ako ngayon, kawawa, dukha, api, at alang pera.




Awww, ayaw mo kasi kami ilibre sa pala eh. Yan tuloy. *dabog*