Bago ako mag-update tungkol sa ibang bagay, ipopost ko muna itong isa sa paborito kong pinag-aaksayahan ng pera at oras– Ang mga Bob Ong books. Oh yeah! Isa ako sa mga naloko nya nyehehehe.
Nagsimula ang addiction ko (ah eh di pala ako ganun ka-addict.. onti lang..) So ayun nga, may isang libro akong nakita, kulay green at nakasulat sa cover ABNKKBSNPLAko?! (Aba Nakakabasa na pala ako?! <–translation sa mga hindi nakakaintindi hekhek) binasa ko at hinalakhakan ko. Di ko lam kung engot ako at simpleng mga bagay ay natatawa ako.

Hanggang nalaman kong may iba pa pala siyang libro, ang:
- Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?
- Ang Paboritong Libro ni Hudas
- Alamat ng Gubat
- Stainless Longganisa
Yung Bakit Baliktad at Stainless ay wala pa akong kopya, pano may nangako sa akin na magbibigay kaso hanggang ngayon wala pa din. Asa pa ako. Sus!
Tapos kanina napaaga ang aking paglalakwatsa sa National Bookstore at nakita ko ang MAC ART HUR. Aba! Akalain mo, 3 na pala ang libro ni Bob Ong na wala ako!!! Ow syet na malagket! Mura lang sya 100 petot lang pero hindi ko sya pinatos, pano, wala akong budget hehehehe. Kaya dun muna sya, tapos ang masaklap, wala pa ding Stainless Longganisa tsk! Pero ok lang. Yun Bakit Baliktad at Mac Art Hur muna ang papatusin ko.
Ayun lang.. wala lang.. nakwento ko lang..




nasan na ang bobong pinoy website?