Heto ang aking listahan ng utang para sa sarili. Utang kong gawin para sa toingks at para kay toingks yiiheeee.
Hmmm… *isip* *isip* simulan natin…
1. Matinong description ng site na ito.
Kawawa naman ako, dahil sa walang maisip na domain name napa-toingks ako at toingks wala pa ding naiisip na description.
2. Tagline ng Toingks
Hmmm kelangan ko ng makabagbag damdamin tagline na walang kapareho dahil kung hindi, manliliit ako sa kahihiyan. Owmaygash! Hindi kakayanin ng powers ko na duru-duruin ng nag-aakalan manggagaya ako. Ichasyeym!!!
*update kahit hindi ko pa napopost ito* (TOINGKS) Pinoy! May Tama Ka! (imaginin mo si Rey Langit o kaya si Mike Enriquez na nagsasalita nito yun na yun!)… so ang makakabasa nito at naunahan ko sa linyan to sorry ka nauna na ako mweheheheh.
Tutal yung toingks or toinks (in English) ay isang onomatopoeia (itanong mo kay manong gugel yan) ng isang tinamaan.. e di ayun May tama ka! Kerek!!! As in Korekek! Plangak!
3. Bagong Bihis ng Toingks
O syempre kelangan bagong taon, bagong damit, bagon sapatos, bagong medyas, bagong gising, bagong ligo, bagong panganak.. e di bagong buhay nyehehehe.
Tagal nang plano na hindi magawa-gawa.. (sa tono ng Sexbomb girls) Bossing! Bossing! Ok ka na ba? Pwede na ba akong magpatulong sa pagbabago ng Theme?!
4. Host
Oh yeah! saka na to pag nagkapera na ako at tumama sa lotto. Hindi ako makapagdecide dahil ang mahal ng bayarin yaiks!
5. Contributor
Baka may naghahanap ng mapapaglabasan ng sama ng loob, pwede nyo dito ilabas pwera yung syet at mabaho yun hek-hek. Kahit share lang kayo ng kahit na ano
Pag hindi na bisi-bisihan ang mga friendship ko maiislash-out ko na to sa list yeah!
6. Ideas
So sabi ko nga kelangan ko ng bagong raket so kelangan ko ng madaaaaaming-madaming ideas na isasaksak sa kukote ko para ma-grind at maisakatuparan na agad.
7. save muna at sa susunod ko na dadagdagan. Toingks!



2 Comments Already
Pingback & Trackback
Related Post
Leave Your Comments Below