I was browsing pinoyblogosphere and I saw this post from L.A. Ayon sa kanya, nakita nya sina GMTristan at ni dChen na nagpost tungkol sa mga bagay na ayaw nilang matanggap ngayong pasko na regalo, at gumawa siya ng kanyang sariling version. At ako din ay gagawa ng sarili kong version. O ha!?
Ilan sa mga inayawan nila ay socks (medyas), picture frames, mugs, scented candles, fruitcake, planner, slippers and t-shirts.
Ako ba? Hmm *isip* *isip* … May natanggap ba ako last Christmas? Eh last, last Christmas? Mukhang wala yata ah! *simangot* *dabog*
Ah meron nga pala, binigyan ako ng 500 pesosesoses ng tito islash asawa ng ninang ko na kapatid ng tatay ko, pero hindi pa man nag-iinit sa palad ko ay naglaho nang parang bula dahil ang sabi ng mama ko, kami daw ng kapatid ko ang sasagot sa pamasahe ng lolo at lola ko pauwi sa probinsya. Huwaaa!!! *sabunot* Oh hindeeee!
So ano nga ba ang listahan ko ng “things I don’t want to get this Christmas?” Ehem, sa lahat ng inaayawa ninyo, kung sakaling may natanggap kayo na pinagsasawaan nyo na, utang na loob sa akin na lang!!! Ha-ha-ha-ha.
Lahat yan, gusto kong makuha ngayong Pasko he-he-he. Kaawa-awa no?
Sa maaawa, at totoong nahabag sa post ko na ito, i-email nyo ako sa toingksmail at gmail dot com, sabihin nyong willing kayong ibigay sakin ang mga ayaw nyo pwera problema at asungot sa buhay ha-ha-ha, kunin ang pangalan at address ko at buong puso kong tatanggapin ang mga regalong ayaw nyo ngayong Pasko wahehehe.
Biro lang. Pero sa magseseryoso, sino ako para tumanggi *lolz*. Ikaw ba? Anong ayaw mong matanggap ngayong Pasko?




Sure pag merong nag bigay sakin nung mga aukong matangap ngayong pasko I’ll send it to you, promise!
Thanks sa link, OMG hindi pala naka direct sa post ko na yun yung link ko.
Anyway, Happy Holidays!