Nakakalungkot isipin na ang isang humahakot ng ratings na programa ng Syete (GMA 7) also known as Magpakailanman ay na-tsugi na sa ere (wow may rhyme) meaning na-lost ang beauty ni Tita Mel.
Magpakailanman in English is forever, right? Hindi yata bagay ang title na Magpakailanman dahil wala na nga di ba? Hindi na makikita si Tita Mel na naglalakad sa seashore, o sa mga lugar na may magandang view habang hinahangin hangin ang kanyang hair at damit. O di bah?!
Nagsimula ang Magpakailanman sa GMA 7 hosted by Mel Tiangco noong November 2002 with its pilot episode “Didith Reyes story” portrayed by Ara Mina at ito ay tuwing Lunes ng gabi.
Itinapat sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng Dos (ABS-CBN Channel 2) na tuwing Huwebes sa kalagitnaan ng second season nito na hindi man agad natalo ang rating ng MMK ay kataka-takang nilipat ng kabilang station ang MMK tuwing Biyernes.
After almost 260 episodes nagpaalam na nga ang Magpakailanman ni Tita Mel. Ano kaya ang dahilan? Naubos na ba ang mga kwento ng buhay na isinasadula ng mga Kapuso? Nanaig ang powers ng Kapamilyang si Ate Charo na hindi pa rin natitinag.
Huwag malungkot, papalitan naman daw ito ng Sindak ni Iza Calzado. Isang horror show na maninindak sa mga solid, liquid and gas Kapuso.




basura itong palabas na ito…