Bagong taon na kaya kelangan ng bagong pakulo para sa 2008. Nag-iisip ako ng bagong bihis ng TOINGKS, yung medyo maganda-ganda sa mata, gusto ko din yun medyo kakaiba. Sa tingin mo ano ang naiisip ko?
Wala pa naman. Medyo nag-aalangan pa ako sa pagbabago. Kelanangan ko pa ng isa pang “head” para maging better than one. Ngek!
Kelangan kong magplano, mag-isip, sumegway, rumaket, chumika, at syempre hindi pwedeng mawala ang word na “kumita.”
Naiinggit na ako sa ibang nakapag-cash out na ng kani-kanilang $100 sa Western Union hek-hek, malapit-lapit na ako, mga wantawsan-syetemil years pa o kaya naman kulang-kulang 48 years pa. Buhay pa ako nun siguro wag lang dadapuan n sakit o madidisgrasya.
Bagong pakulo!!! Magpa-raffle kaya ako. Makigaya sa mga best best contest parang MMFF na pwedeng dayain mwehehehe.. bahala na. Sa ngayon, mag-iisip na ako. Kung may idea kayo tell me at tutulungan din kita basta kaya ko ha? Pramis.




ako nagpasemi kalbo para new look naman,, saka balak ko ngayong taon makabili ng mountain bike saka gitara pero bago ko makuha yun kailangang magtrabaho na hayss sana swertihin ako isip ka pa nga ng pwedeng gawin… geg bye no ba pangalan mo?