Google
 

Wednesday, October 3, 2007

Nagsisisi na si girlfriend

Isang sulat para kay Juan, galing sa kanyang girlfriend na nakipagbreak sa kanya.


Dear Juan,

Pinagsisisihan ko na ang pagbasted ko sa'yo. Tinetesting ko lang pasensya mo nung sinabi kong sobrang pangit mo, wala kang kwenta at sinumpa kang nilalang. Bawat segundo ikaw nasa isip ko, kahit sa panaginip ko, andun ka pa rin. Tanggap na tanggap ka ng mga magulang ko at mahilig lang talaga silang magbiro nung hinabol ka ng itak ng tatay ko at sinabuyan ka ng ihi ng nanay ko. Di talaga ako mabubuhay nang wala ka sa akin.

Nagmamahal,

Bianca

PS Congrats pala sa pagkapanalo mo sa Lotto.


AddThis Social Bookmark Button